Martes, Abril 17, 2012

iwas liwanag


Iwasan mong tumingin sa mga taong sikat
Baka mabulag ka ng kanilang liwanag
Huwag masyadong lumapit sa mga nagliliyab
Baka masyadong mapalapit at ikaw ay maglagablab

Sa kabilang banda...

Naghahanda na ang mga pulitkong inaamag sa darating na eleksyon
Lipatan dito at lipatan doon
Mga kunwaring nagmamalasakit sa bayan pero pansariling interes lamang ang mga inuuna.
Ang daming dapat pagtuonan ng pansin sa bansa na ito, pero pamumulitika lang ang lama gawin ng mga puta.

Sinasakop na tayo ng Tsina, wala naman tayo maibuga. Para tayong mga asong bahag ang buntot, ang kaya lang gawin e tumahol.
Bakit ba lagi na lang tayo umaasa sa mga kano? Wala naman nagawa sa atin ang mga iyan. Isipin ninyo ha, kung totoong kaalyado natin sila bakit ang mga war exercises na ginagawa dito sa bansa ay parang sila lang ang nakikinabang? Pinapatikim tayo ng kanilang bagong teknolohiyang gamit pandigma pero hindi nila tayo mabigyan ng mga ito. Napakarami nilang barkong pandigma na noon pa nakabase sa bansa pero puro mga pinaglumaan ng gera ang mga gamit natin. Hindi ba maisip ng mga pulitiko na ito nang isang programa na magkakaroon tayo ng mga gamit tulad ng sa mga kaalyado natin?
Bakit ganoon lang ang inaabot ng mga programa nila? Puro mga papogi ang mga Putah! Kapag tayo na ang tinitira ng mga kalapit natin wala naman tayo magawa kung hindi diplomasya. Bungangaan lang ang kaya. Mga palingkero at palingkera wala naman ibubuga.
Putang-ina ninyong mga pulitiko kayo, mga kunwaring matatapang. Matatapang sa mga wala, sa mga mahihirap at mga mangmang. Pero kapag ang kalaban ay malakas nagtatago sa sulok at nanahimik. Nakikiramdam lang dahil sariling kapakanan muna ang iintindihin. Parang mga buwitre na nakatanod lagi sa mga nanghihina at naghihingalo.
Putang-inang bansa ito, wala nang patutunguhan, pati ang mga ordinaryong tao may mga pinanghahawakan prinsipyo ay nalalason ng mga panggugulang. Ang lahat ay kanya-kanya , wala ng pagkakaisa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento