Huwebes, Abril 12, 2012

Silang mga nasa itaas


Naniniwala ka ba na may mga taong na nagde-decide kung paano tayo mamumuhay?

May napanood kasi ako tungkol sa pagbagsak ng isang malaking kumpanya sa Amerika. At sa isang eksena sa pelikula ay hinihikayat ng CEO ang isa sa senior management member na sumama sa gagawin niyang desisyon ng kumpanya at ito ang ibenta ang halos wala ng halagang stocks ng kumpanya.
Parang doon na umikot ang pelikula, para kasing tinatanong dito kung ikaw ang nasa lugar ng taong iyon ano ba ang gagawin mo? Sasama ka ba dahil pinepressure ka ng amo mo? O Ilalaglag mo sila dahil may prinsipyo kang pinanghahawakan?

Hindi ko rin malilimutan ang binitawan salita ng isa pang boss habang pinagtutulungan nilang kumbinsihin na mapasali ang isa nga sa senior manager na.." Sumama ka sa amin, ito ang tamang gawin sa panahon ngayon." sinagot niya ng "Tama?, Tama para kanino?"

Para kanino nga ba ang desisyon na gagawin ng iilang tao na maapektuhan ang libo o milyon na tao? Tama ba na unahin nila ang kapakanan nila dahil sila ang angat sa buhay? Sila ang namumuno?

Pero mahirap itanggi ang katotohanan na iyon. Totoong nangyayari ito sa kasalukuyan, maraming mga higanteng kumpanya ang nagdidikta kung paano dapat mabuhay ang mga tao sa lipunan. Palihim na ikinukubli ng sistema ng ating pamumuhay ang kanilang intensyon na magkamal ng limpak-limpak na salapi mula sa paghihirap ng isang ordinaryong mamayan.

Sa bandang huli sumanib na rin ang manager sa mga boss, na yon sa kanya ay dahil kailangan niya ang pera at ang bonus na bibigay ng kumpanya sa 31 taon na pininilbihan niya dito.
Sa tingin ko naging praktikal na lang siya at may katapat na presyo talaga ang lahat ng tao. Iyon ang totoo.

Biruin mo ba naman kumikita ka ng $2.7M sa isang taon, $11,250.00 kada-araw, $1,406.25 kada oras, $23.44 kada minuto $0.39 kada segundo, parang ang hirap paniwalaan na may nagbibigay pala ng sahod na ganoon kalaki. Ano naman kaya ang akapalit nito?

May nabasa ako na ang dahilan daw ng buhay ng tao ay upang lumigaya at para makapmtan mo ang kaligayahan ay dapat ay may pamamaraan ka para dito. Kung makakatulong ang materyal na pangangailangan para sa katuparan ng kaligayahan na iyon ay dapat meron kang pagkukunan ng pambili sa mga ito. Samakatuwid, dapat ang isang tao ay may trabaho upang lumigaya. Kapag sinabing trabaho ito ay isang gawain na nagbibigay ng isang produktibong gawain na mapaggagamitan o mapapakinabangan ng nakararami. sa madaing salita pala..

Kaligayahan = Trabaho

Dahil sa trabaho nakikita ng tao ang kaniyang halaga sa lipunan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento