Sabado, Abril 14, 2012

Mga tips para sa murang paglilibing


Bakit kaya mahal ang mamatay?

Mahal.

Tama ang iyong nabasa. Sa amin kasi madalas naririnig ko sa namamatayan ang katagang ito, "Namatay na nga, ipapangutang pa ang pagpapalibing." Napaka-sakit marinig nito 'di ba? Sabi nga sa wikang ingles,"Ironic".

Shit! Parang nakakatakot naman mamatay, lalo na kapag wala kang ipon na pera. Kaya nga iyong ibang tao habang buhay namimili na ng ataol at lupang paglilibingan sa kanila.

Napaisip tuloy ako. Ako kaya kapag namatay?

Ito ang bilin ko sa mga makakabasa.

Unang-una, ayaw ko ng mamahaling ataol, sayang lang ang pera. Ok na sa akin ang plywood, patay na ako hindi na ako makakapagreklamo. Natutulog nga ako sa sahig at sa papag, bakit kailangan ko pang magkaroon ng mamahaling ataol e patay na ako mga uod lang ang makikinabang hindi ba. Saka, may nakita ka na bang fashion magazine para sa patay? Wala, 'di ba? Sino ba naman ang magkakainteres na bumasa nun? (Hmmm, mukhang magandang gawing business iyon ah, magazine ng Patay :D)

Ikalawa, Wala ng embalsamo, gastos din iyon. Ilibing na lang ako agad. Wala naman kasi akong kamag-anak sa ibang bansa na hihintayin pa. At saka iyong mga nagsusugal at nagpaparenta lang ng videoke ang kikita sa patay kong katawan (Sabagay, pandagdag din sa abuloy). Pero teka mayroon na bang gumawa ng mathematics ng burol?
Magandang pagukulan ng pansin iyon ah, teka isa-isahin natin.

Kapag ako ay namatay saan ba ang paggagastusan?

1. Morge ----> embalsamo ---> parlor ng patay
2. Ataol
3. Sasakyan na maghahatid sa nitso (pero alam ko package na ito ng funeraria)

4. Cremation pasunog kung gusto mo masunog katawan mo (kung masama kang tao bale para kang botcha nun) sunog pati katawan lupa mo :D

5. Pakape, biskwit at butong pakwan o kalabasa (pwede rin palang kornik) kada-gabi ng burol

6. Pasugal

7. Konsumo sa Kuryente

8. Pakain pagkatapos ng libing

9. Pasiyam

10. 40 days

Iyan ang mga naiisip ko na pagkakagastusan kapag na-dead ka, pero syempre para maging patas e dapat isaalang-alang din natin ang pasok ng pera. Para palang instant business kapag namatay :D

Paraan para kumita sa lamay

1. Maghingi ng abuloy
2. Cash na lang ang bulaklak ng patay special request (parang sa kasal)
3. syempre magpasugal (sakla, tong-its, pusoy, mahjong, kwaho, 41, lucky 9, pares-pares, unggoy-unggoyan, cara y cruz, tatsing, kung malaki ang lote mo pwede kang magpatupada at kung ano-ano pang pagkakakitaan)
4. extend ang lamayan, kinaugalian na natin ang 1 linggong burol gawin mong 2 linggo (pero dapat i-konsider ang konsumo sa kuryente)
5. Maglagay ng videoke na hinuhulugan ng P5 barya
6. Huwag kalimutang kumolekta ng tong. Dapat laging alerto sa bawat lamesa ng nagsusugal.
7. Magpanggap na mahirap lamang at humingi ng tulong kay mayor pandagdag sa libing.

Iyan na muna, natutuyo na utak ko kakaisip, bahala na kayo magdagdag.

Kung wala talagang pera, at ayaw mo magkautang-utang ang naiwan mo, e dapat 'wag ka na magluho. Suportahan pa natin ang mga naunang diskusyunan kung paano makakatipid sa burol mo.

Dapat iyong ilaw na gagamitin sa burol ay CFL, kahit 10watts ok na iyon, kadalasan kasi mga incandescent bulb pa ang gamit ng funeraria.

Kung nasa liblib ka na pook, tulad ng bahay ko. Magpasunog ka na lang sigurado naman maraming kahoy sa paligid, tipid pa. Pasundo mo nalang ang pari sa kamag-anak mo para mabasbasan ka.

Kung ayaw mo naman magpasunog e, sa paghahatid sa iyo sa huling hantungan mo e, 'wag ka na maginarte, pwede na ang tricycle o kaya padyak, bahala na ang kamag-anak mo na mag-isip kung paano nila didiskartehan. Dati nga 'di ba binubuhat lang, hanggang ngayon ginagawa pa din iyon, lalo na kapag walang-wala talaga ang namatayan.

In-relation to that, naisip ko na magandang gawing negosyo ang paghahatid ng patay gamit ang modified sidecar ng tricycle, murang charge solve ang problema.

Marami pang paraan ang pwdeng gawin para hindi magkabaon-baon sa utang kailangan lang 'wag maarte ang mga naiwan mo. Kaya ang payo ko sa iyo, ikundisyon mo na ang utak nila o kaya magbilin ka na at kapag hindi sinunod ay mumultuhin mo sila. Takutin mo na hindi matatahimik ang kaluluwa mo kapag hindi nila sinunod ang gusto mo.

Isang payo lamang po, mula sa isang nagmamalasakit na kababayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento