Martes, Marso 6, 2012

Pagpapakilala


"Late bloomer na nakikiuso lang." Ito sana ang isusulat ko sa unang post ko kaso biglang nagtalo ang isipan ko na hindi na pala uso ang blog, hahaha!

Gumawa lang ako nito kasi nakakabato sa opisina. Dati kasi nagsusulat talaga ako ng kung ano-anong tae na pumasok sa isipan ko. Pero may mga nangyari sa akin na napagdesisyunan ko na burahin ang una kong talaarawan ng kabaliwan.

Naging palaboy n alang ako, kahit saan at nong klase ng papel na lang ako nagsusulat. Kaya naman matapos magpalaboy-laboy e, humanap muli ako ng bahay.

Gusto ko ang gmail, kasi para sa akin na 'di maalam gaano sa kompyuter ay feeling secured sa security option ng gmail. Tapos sa pagkakalikot ko sa mga option nito ay nakita ko ang blogger, kaya iyon natukso akong sumulat muli.

Hindi ko kino-consider na maayos ang isisulat ko dito, mga kung anong tae lang sa utak ko ang ilalagay ko. Siyempre ngayon magiging tapat na ako sa sarili ko, kaya lahat ng shit na naiisip ko ay isusulat ko dito.
Bahala na ang mga magbabasa kung meron man, basta susulat ako. Gusto ko lang maipon ang lahat ng mga tinae ko para sa pagtanda ko  ( kung papalarin) ay may mababasa akong mga kataehan na pinaggagawa ko. (Makikinog kaya ang Apo ko? Magkaka-apo kaya ako?)

Nga pala, ito ang ilang impormasyon ukol sa akin.

Nakapagtapos naman ako ng kolehiyo, at nasa isang teknikal na uri ng trabaho. Kung saan nakakaramdam ako ng satisfaction naman sa ginagawa ko, iyong bang may makita kang accomplishment na pwede mong maipagmalaki kahit paano.

May sarili na akong pamilya, buhay pa ang aking mga magulang at dalawa ang aking kapatid.

Lumaki akong isang katoliko pero gusto ko pang lumalim ang kaalaman ko sa relihiyon.

Naniniwala ako sa maka-demokratikong pamamaraan ng pamamahala.

Lohikal akong tao.

Mahilig ako sa rock, country music at classical. Pero gusto ko rin ng rap ng pinoy, mas may emosyon at nakakarelate ako sa kanilang mga tula.

Nakatira ako sa kubo sa tabing ilog, na napapaligiran ng maraming puno. Hindi ko mapatubo ang damo sa harap ng bahay ko.

Gusto ko sana motor at bisikleta lang ang aking sasakyan pero may pamilya ako kaya kumuha na din ako ng may apat na gulong.

Pangarap ko sa buhay ay magkaroon ng sariling bukid, ayaw ko talagang mahiwalay sa pamilya ko.

Marami pa akong ibabahagi na tungkol sa akin sa mga susunod na mga post ko dito.

Hanggang sa muli.

Pino




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento