Ipinapakita ang mga post na may etiketa na psychotic. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na psychotic. Ipakita ang lahat ng mga post
Biyernes, Abril 20, 2012
Kalungkutan
Kalungkutan.
Alam mo ba kung paano ako pinahirapan nito? Alam mo ba kung paano inalis nito ang respeto ko sa sarili ko? Alam mo ba kung paano binago nito ang pagkatao ko?
Sa tingin ninyo ako ang mali. Ako ang mahina. Ako ang dahilan ng lahat ng kaputahan na nararanasan natin ngayon.
Madali lang ang magsalita kapag hindi ikaw mismo ang nakakaranas ng hirap na pinagdadaanan ko. Madaling magturo kung sino ang may sala lalo na kung puro kasarapan sa buhay ang iyong nararanasan.
Bakit ilang beses mo na bang iniyakan ang kalungkutan? Ilang beses mo na bang sinabi sa kanya na iwan ka? Ilan beses mo bang tinakbuhan? Ilan?
Hanggat sa makakaya ko ay iniwasan ko ang mga tukso niya sa akin. Hanggat makakaya ko inaliw ko ang aking sarili. Hanggat makakaya ko hindi ko siya pinagtuonan ng pansin.
Nagpakatatag ako, pilit na inaalala ang lahat ng mga masasayang araw natin na magkasama. Laging pinapaalala sa sarili ang mga plano pa natin.
Mahina ang tao kapag siya ay nagiisa. MAhina ang sinuman malakas kapag siya puno ng kalungkutan. Ang demonyo ay tulad ng leon, lagi lang nakaabang sa likod ng talahab, handang sagpangin at kalmutin lagi ang kaniyang bibiktimahin. Nahuli niya ang kahinaan ko.
Ngayon, ang dating ako ay ibang-iba na. Ang akala ko na matibay na pader ng pagmamahal ko sa iyo ay natibag ng bigla. Ang pundasyon ng aking pagkatao ay gumuho.
Kaya ngayon ay nagtatanong ka bakit nagbago ako. Kaya ngayon pinagduduldulan mo sa mukha ko ang kahinaan ko.
Bakit hindi ka naman nakaranas ng mga paghihirap na ipinasan sa akin. Sino ang mga kasama mo habang magkahiwalay tayo? Ang ating anak, iyong pamilya, mga kaibagan. O anong tibay ng iyong mga sandalan, dapata talagang kainggitan.
Hindi ko na alm kung ilan beses ng pumatak ang luha ko. hindi ko na mabilang kung ilan beses ko na pinulot ang sarili ko sa pagkakadapa. Ayaw ko na. Suko na ako, parang wala ng saysay ang lahat ng putang-inang sakripisyo na ito.
Dahil sa ngayon, ang lahat ng sakripisyong ito ay balewala. Parang bulak ang gaan. Dahil ang mga batayan ng putang-inang komunidad kung saan tayo nabubuhay ay malupit para sa mga mahihinang katulad ko.
Sa totoo lang dapat isipin ko na lang ang sarili ko. Hindi ba iyon ang nararapat? Dahil alam ko naman kapag nagkaputa-puta na, lahat ng mga mata nyo na titingin sa aking pagkatao ay parang mga palaso. Puno ng pangungutya at panghuhusga na parang ang lahat ng ginawa ko sa inyo ay walang halaga. Bakit nga ba hindi pa ako tuluyan lumayas? Iwan na ang mga pagmumukhang timang, maging tunay na makasarili. Dahil alam ko sa bandang huli ang sarili ko lang ang tangi kong kasama.
Ang dating ako ay wala na, pinalitan ng mapagkunwari at mapanlinlang. huwag ka ng malungkot at umiyak diyan, nagkamali ka lang ng pinagkatiwalaan. Paalam, paalam na.
Huwebes, Abril 12, 2012
Kulangot
I am the traveller and the road, and the journey is wherever I go.
Hindi ako mali. Tama lang ang ginagawa ko. Tamala ng protektahan ko ang sarili ko, kasi nakikita ko sa iyo na sasaktan mo ako. Bakit ko hahayaan iyon? Hindi ba dapat lang na umiwas at lumayo na ako sa iyo? Ilalaglag na kita, hindi kasi kita mapagkatiwalaan iba ang kutob ko sa iyo. Magaling ka makipaglaro pati ako binibilog mo, anong tinging mo sa akin, kulangot? Pagkatapos bilugin pipitikin?
Bago mo pa ako makuha sa ilong mo, ilalaglag na kita. Ayaw ko ng mga taong may balak akong saktan. Mabilis na nagdidilm ang paningin ko sa mga katulad mo. "PUTANG-INA! 'wag mo nga ko ululin! Hindi mo ako kilala kaya 'wag mo akong subukan.
May sayad ka nga. Kailangan mong magpatingin sa isang psychiatrist. Kaklase ka siguro ni Noynoy pareho kayong abnoy.
Tama ba ang pagiisip mo? Bakit mo ako inaalok na kumuha tayo ng bahay? Ganoon na ba tayo ka-close? nakakatakot ka, may problema ka na kailangan mong solusyunan. Sa pagiisip ko naiintindihan naman kita e, siguro sa kabila ng pagdedeny mo na ayaw mo sa tatay ng anak mo e, gusto mo rin magkaroon ng makakasama na magpaparamdam sa iyo ng mga pangangailangan mo na emosyonal at syempre sekswal. Pero nakakapangilabot ang itinuring mo sa akin, bakit mo ko yayain ng ganun? Nasisiraan ka na ba?
'Wag kang ganun. Nawawalan tuloy ako ng gana sa iyo. Naiisip ko na sakit ka lang sa ulo. Bahala ka na nga sa buhay mo. Humanap ka ng ibang mapaglalaruan mo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)