Ipinapakita ang mga post na may etiketa na HBO. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na HBO. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Abril 23, 2012

Kalayawan


"Vanity is really my favorite sin." - Devil's Advocate

Tiningnan ko sa internet ang ibig sabihin nito sa tagalog.

Banidad, Kalayawan

Hindi ko gaano nakuha, self-love na lang ang sa ingles. Mas madaling maintindihan.

Isa sa mga nagustuhan kong pelikula ang Devil's advocate, talagang hindi ko mapigilan ang kilabot sa pagkaramdam ng takot sa mga eksena kung saan ipinapakita ang mga demonyo.

Pinakita din dito kung gaano talaga kaaling ang panlalansi ni Satanas sa tao. At ang kaniyang rason kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya.

Isa sa mga sinabi niya ay

Kevin Lomax: "Better to reign in Hell than serve in Heaven", is that it?
John Milton: Why not? I'm here on the ground with my nose in it since the whole thing began. I've nurtured every sensation man's been inspired to have. I cared about what he wanted and I never judged him. Why? Because I never rejected him. In spite of all his imperfections, I'm a fan of man! I'm a humanist. Maybe the last humanist.

Hindi ko alam kung paano ko iintindihin itong sinabi ng demonyo, kaya dapat suriin ng mabuti, itimbang, usisain ang mga natatagong mensahe nito. Dahil puno ng panlilinlang ang demonyo at alam niyang mahina sa tukso ang tao.

Kung ikaw ay nasa estado ng pagkabigo, puno ng problema, nagiisa at malungkot madaling tanggapin ang pananalita na ito. Kaya nga hanggat maari dapat ay lagi tayong may kasama, dapat may mga taong laging nagpapaalala sa atin ang tunay na pagmamahal ng Diyos. Dahil alam naman natin na ito ang totoong magpapasaya sa atin. Mahirap, makipot ang daan papunta sa kaharian ng Diyos. Maraming mga harang, pagsubok para maging karapat-dapat sa kanyang pagmamahal.

Pero bakit ganoon nalang ang pagsusulit na binibigay ng Diyos? Siguro kung madali ay hindi bibigyan ng halaga ng tao, dahil tuso ang tao, madaling makurakot ang utak.

Freewill o kusang loob, ito ang ibinigay ng Diyos. Nasa sa tao kung susunod siya o hindi. Ganoon din ang demonyo, wala siyang kakayahan na pilitin ang tao na sumunod sa kanya. Puro mga tukso ang mundo, halos lahat ng ginagawa natin ay laging may dalawang pwedeng mangyari. Kailangan laging may pipiliin sa bawat sandali. At bawat desisyon ay may kaukulan na reaksyon dito, at itong mga desisyon na ito ang naghuhubog sa ating pagkatao kung sino ba talaga tayo. Dito rin natin makikita ang halaga natin, ang kahulugan at rason ng pagiging tao natin.

Isa pang kaisipan na pumasok sa utak ko ay, bakit hindi nawawala si Satanas o ang demonyo at tukso? Simula sa umpisa palang ay nandoon na siya hanggang sa ngayon ay nandito pa din. Katulad din ba siya ng Diyos? Walang kamatayan? Dito sa mundo ng mga tao? Habang tayo ay nabubuhay ang demonyo ay nasa paligid pa rin. Hindi kaya ang buo nating pagkatao ay nabubuo ng dalawang nilalang? Ang mabuti at masama? Ang yin at yang? Kailangan may katapat ang bawat isa? Kailangan balanse ag lahat.
Katulad na lang ng mundo kapag nawala ang pagkabalanse nito maaring lumayo tayo sa araw na nagbibigay ng buhay sa atin. Paano ba nasusuportahan ang mundo? Anong imbisibol na pwersa ang humahawak dito? May balanse na pwersa dito hindi pwedeng wala.

Isa pa, vanity o self-love.

Kasalanan ito kapag sobra. Dapat talaga balanse lang, dapat maging alerto tayo sa mga kinikilos natin. Baka ang mga ginagawa natin ay tungo na sa direksyon ng kapalaluan, pilit natin binibigyan ng hustisya na ang ginagawa natin ay para sa ikabubuti natin at ng mga mahal sa buhay. Maraming mga ganitong pangyayari sa buhay ko, sa una ang kapakanan ng sarili ko at pamilya ang nauuna, pero kinalaunan mas nangingibabaw ang sarili, nauuwi tuloy sa isang kasalanan at isa pa. Hanggang sa malunod na ako sa kamalian na pinaggagawa ko.

Vanity tunay ngang kasalanan ka.

Miyerkules, Marso 7, 2012

I am not a role model


"I am not a role model." - Brooklyn's Finest

Habang nanonood ng HBO kagabi ito ang tanging linya na napick-up ko sa pelikula.

Naalala ko tuloy ang mga nabasa kong mga verses sa sa Bibliya sa libro ng Kings at ang isang blog entry ni Charlie (na taga-US). Wala naman talagang perpekto. Kailangan matutunan natin tanggapin na darating ang panahon na may magagawa tayong mali. Kahit na ang pinakamagalaing na hari nagkakasala at pinaparusahan pa rin ng Diyos dahil sa hindi lubusang pagsunod sa lahat ng pinaguutos ng Panginoon.
Nakakapagpamulat din ng isipan na kahit na anong dami ng nagawa mong tama ay kayang burahin lahat ito ng isang pagkakamali.

Nakakatakot alam nyo ba iyon? Sobra talaga na nakakatakot ang aral ng bibliya, "You really have to fear God's wrath."

Speaking of Charlie, may isa siyang blog entry tungkol sa pagiging fair o patas.Sang-ayon ako sa punto niya na kailanman hindi naman patas ang buhay, laging may mataas at laging may mababa, laging may nanlalamang at may nalalamangan kaya kung gusto mong maging matatag at hindi maging kawawa gawin mo ang lahat ng makakaya mo, para malabanan ang unfairness na sinasabi mo. Iyong mga ngumangawa daw ay mga "pussy" o duwag, badingerzi...kung hindi mo kayang makipagsabayan 'wag ka na pumutak ng kung ano-ano hindi ba? Tumahimik k ana lang at isipin o pagplanuhan kung paano ka mas makakaungos o paano magiging patas para sa iyo ang isang sitwasyon.
Sabi nga ng pinsan ko na nasa US noong bumisita at kinuha ang laruan ko na bigay ng ninong ko na kano na nagtatrabaho sa subic Bay, "Cry Baby! He's going to cry now!"

Tama ang buhay ay hindi patas. Iyon ang katotohanan, hindi magiging patas. Namatay na ang ideyalismo ng komunismo noon pang 1989 ng bumagsak ang USSR. Ang pagkapantay-pantay ng mga burges at mga manggagawa ay hindi kailanman magkakaroon ng katotohanan.