Lunes, Abril 16, 2012
Why I volunteered?
Why I volunteered?
I was 13 when Apo Pinatubo got fed up and spill-out its guts and
devastated mostly Central Luzon. From that moment my perception of
life change, I was shivering with fear because almost everyone around
me is saying it's the end of the world and God's judgment is coming.
The day becomes night and rain of sands and ashes cover up our whole
town. From noon time it was total blackout and nonstop pouring of
sands destroys most of the houses in our neighborhood. Our newly
constructed house from my Father's loan saved us from experiencing the
total wrath of Mt. Pinatubo. Most of our neighbors’ home were destroyed
and damaged by the eruption, forcing them to take shelter in our
house. There were a total of 5 families in that tiny home praying that
the roof will stand the accumulating weight of the sand. Thank God it
did, through camaraderie and genuine care we survived that longest
night of our lives.
Countless lives and properties were destroyed, people are left with
shock and confusion, everyone is muttering "What now?"
The main source of living in my province is agriculture, fisheries and
being employed at the American base. But after the tragedy and
political situation between the Philippines and America, the G.I.'s
left the country and left most of the people jobless including my
father.
But one good leader didn't lose hope, asks for volunteers to revive
the former base and make it a working special economic zone that will
be the blood and life source of all the people in that tiny area in
Luzon archipelago. Through volunteerism, we were able stand-up again.
We were able to show the whole country, the whole world that we can
make it on our own.
I saw nothing but good intention in having the IIF program in our
project. I witnessed how effective it was during my last project in
Qatar where our peak manpower reaches 55,000 composed of different
nationalities around the world. When I was a volunteer in that project
I once asked myself if this kind of program is possible to be
implemented here.
Now I know it is possible! Because we are living it, we are doing it
and we are achieving it through the spirit of volunteerism.
My IIF mentor told me that "If you believe that what you are doing can
help change and better people's lives then you are doing the right
thing."
I believe I am contributing to change.
It does not matter if your hands are small; it is yours and only you
can wield how productive and meaningful it can be. Because when worst
comes to worst only kindness matters.
Bulag, pipi at bingi
Bulag ako kasi hindi ko narinig ang mga makulay mong pananalita
Pipi ako dahil hindi nasabi ng manhid kong dila ang gusto mong maramdaman
Bingi ako kasi hindi ko nakita ang sumisigaw mong pagmamahal
Linggo, Abril 15, 2012
Papakinggan pa kaya ng Diyos ang dasal ko?
Papakinggan pa kaya ng Diyos ang dasal ko?
Dinala sa hospital kagabi ang anak ko. Dahil sa paglala ng kanyang allergy. Masyadong maselan ang pangangatawan nya lalo na sa mga pagkain, halos lahat na lang nagti-trigger ng allergy niya. Pero ayon sa misis ko, parang mas grabe ang epekto kagabi. Dati rati e, nangangati lang siya at nagpapantal. Kagabi e, namaga na ang mata niya t tenga, at malapit n arin daw hikain.
Mabuti na lang at nadala sa hospital at naagapan ng gamot.
Naisip ko dahil sa mga ginagawa kong kasalanan, kung bakit pati ang anak ko ay nagkakasakit. Sa mga mahal ko sa buhay bumabawi sa akin ang Diyos. Dahil alam niya doon niya ako masasaktan.
Gusto ko ng magbago. Pero mahina ako. Ang dami kong kasalanan. Iniisip ko lang kasi sarili ko. Gusto kong bumalik sa Diyos. Gusto ko ng buhay na malapit sa Diyos. Gusto ko ng buhay na kasama ko ang pamilya ko.
Tulungan mo akong magbalik sa iyo Panginoon.
Ayaw ko na sa buhay kong ito na puno ng kasalanan.
Ayaw kong maging mahina. Gusto ko ang pamamaraan mo.
Kunin mo ako.
Sabado, Abril 14, 2012
Mga tips para sa murang paglilibing
Bakit kaya mahal ang mamatay?
Mahal.
Tama ang iyong nabasa. Sa amin kasi madalas naririnig ko sa namamatayan ang katagang ito, "Namatay na nga, ipapangutang pa ang pagpapalibing." Napaka-sakit marinig nito 'di ba? Sabi nga sa wikang ingles,"Ironic".
Shit! Parang nakakatakot naman mamatay, lalo na kapag wala kang ipon na pera. Kaya nga iyong ibang tao habang buhay namimili na ng ataol at lupang paglilibingan sa kanila.
Napaisip tuloy ako. Ako kaya kapag namatay?
Ito ang bilin ko sa mga makakabasa.
Unang-una, ayaw ko ng mamahaling ataol, sayang lang ang pera. Ok na sa akin ang plywood, patay na ako hindi na ako makakapagreklamo. Natutulog nga ako sa sahig at sa papag, bakit kailangan ko pang magkaroon ng mamahaling ataol e patay na ako mga uod lang ang makikinabang hindi ba. Saka, may nakita ka na bang fashion magazine para sa patay? Wala, 'di ba? Sino ba naman ang magkakainteres na bumasa nun? (Hmmm, mukhang magandang gawing business iyon ah, magazine ng Patay :D)
Ikalawa, Wala ng embalsamo, gastos din iyon. Ilibing na lang ako agad. Wala naman kasi akong kamag-anak sa ibang bansa na hihintayin pa. At saka iyong mga nagsusugal at nagpaparenta lang ng videoke ang kikita sa patay kong katawan (Sabagay, pandagdag din sa abuloy). Pero teka mayroon na bang gumawa ng mathematics ng burol?
Magandang pagukulan ng pansin iyon ah, teka isa-isahin natin.
Kapag ako ay namatay saan ba ang paggagastusan?
1. Morge ----> embalsamo ---> parlor ng patay
2. Ataol
3. Sasakyan na maghahatid sa nitso (pero alam ko package na ito ng funeraria)
4. Cremation pasunog kung gusto mo masunog katawan mo (kung masama kang tao bale para kang botcha nun) sunog pati katawan lupa mo :D
5. Pakape, biskwit at butong pakwan o kalabasa (pwede rin palang kornik) kada-gabi ng burol
6. Pasugal
7. Konsumo sa Kuryente
8. Pakain pagkatapos ng libing
9. Pasiyam
10. 40 days
Iyan ang mga naiisip ko na pagkakagastusan kapag na-dead ka, pero syempre para maging patas e dapat isaalang-alang din natin ang pasok ng pera. Para palang instant business kapag namatay :D
Paraan para kumita sa lamay
1. Maghingi ng abuloy
2. Cash na lang ang bulaklak ng patay special request (parang sa kasal)
3. syempre magpasugal (sakla, tong-its, pusoy, mahjong, kwaho, 41, lucky 9, pares-pares, unggoy-unggoyan, cara y cruz, tatsing, kung malaki ang lote mo pwede kang magpatupada at kung ano-ano pang pagkakakitaan)
4. extend ang lamayan, kinaugalian na natin ang 1 linggong burol gawin mong 2 linggo (pero dapat i-konsider ang konsumo sa kuryente)
5. Maglagay ng videoke na hinuhulugan ng P5 barya
6. Huwag kalimutang kumolekta ng tong. Dapat laging alerto sa bawat lamesa ng nagsusugal.
7. Magpanggap na mahirap lamang at humingi ng tulong kay mayor pandagdag sa libing.
Iyan na muna, natutuyo na utak ko kakaisip, bahala na kayo magdagdag.
Kung wala talagang pera, at ayaw mo magkautang-utang ang naiwan mo, e dapat 'wag ka na magluho. Suportahan pa natin ang mga naunang diskusyunan kung paano makakatipid sa burol mo.
Dapat iyong ilaw na gagamitin sa burol ay CFL, kahit 10watts ok na iyon, kadalasan kasi mga incandescent bulb pa ang gamit ng funeraria.
Kung nasa liblib ka na pook, tulad ng bahay ko. Magpasunog ka na lang sigurado naman maraming kahoy sa paligid, tipid pa. Pasundo mo nalang ang pari sa kamag-anak mo para mabasbasan ka.
Kung ayaw mo naman magpasunog e, sa paghahatid sa iyo sa huling hantungan mo e, 'wag ka na maginarte, pwede na ang tricycle o kaya padyak, bahala na ang kamag-anak mo na mag-isip kung paano nila didiskartehan. Dati nga 'di ba binubuhat lang, hanggang ngayon ginagawa pa din iyon, lalo na kapag walang-wala talaga ang namatayan.
In-relation to that, naisip ko na magandang gawing negosyo ang paghahatid ng patay gamit ang modified sidecar ng tricycle, murang charge solve ang problema.
Marami pang paraan ang pwdeng gawin para hindi magkabaon-baon sa utang kailangan lang 'wag maarte ang mga naiwan mo. Kaya ang payo ko sa iyo, ikundisyon mo na ang utak nila o kaya magbilin ka na at kapag hindi sinunod ay mumultuhin mo sila. Takutin mo na hindi matatahimik ang kaluluwa mo kapag hindi nila sinunod ang gusto mo.
Isang payo lamang po, mula sa isang nagmamalasakit na kababayan.
Huwebes, Abril 12, 2012
Kulangot
I am the traveller and the road, and the journey is wherever I go.
Hindi ako mali. Tama lang ang ginagawa ko. Tamala ng protektahan ko ang sarili ko, kasi nakikita ko sa iyo na sasaktan mo ako. Bakit ko hahayaan iyon? Hindi ba dapat lang na umiwas at lumayo na ako sa iyo? Ilalaglag na kita, hindi kasi kita mapagkatiwalaan iba ang kutob ko sa iyo. Magaling ka makipaglaro pati ako binibilog mo, anong tinging mo sa akin, kulangot? Pagkatapos bilugin pipitikin?
Bago mo pa ako makuha sa ilong mo, ilalaglag na kita. Ayaw ko ng mga taong may balak akong saktan. Mabilis na nagdidilm ang paningin ko sa mga katulad mo. "PUTANG-INA! 'wag mo nga ko ululin! Hindi mo ako kilala kaya 'wag mo akong subukan.
May sayad ka nga. Kailangan mong magpatingin sa isang psychiatrist. Kaklase ka siguro ni Noynoy pareho kayong abnoy.
Tama ba ang pagiisip mo? Bakit mo ako inaalok na kumuha tayo ng bahay? Ganoon na ba tayo ka-close? nakakatakot ka, may problema ka na kailangan mong solusyunan. Sa pagiisip ko naiintindihan naman kita e, siguro sa kabila ng pagdedeny mo na ayaw mo sa tatay ng anak mo e, gusto mo rin magkaroon ng makakasama na magpaparamdam sa iyo ng mga pangangailangan mo na emosyonal at syempre sekswal. Pero nakakapangilabot ang itinuring mo sa akin, bakit mo ko yayain ng ganun? Nasisiraan ka na ba?
'Wag kang ganun. Nawawalan tuloy ako ng gana sa iyo. Naiisip ko na sakit ka lang sa ulo. Bahala ka na nga sa buhay mo. Humanap ka ng ibang mapaglalaruan mo.
Silang mga nasa itaas
Naniniwala ka ba na may mga taong na nagde-decide kung paano tayo mamumuhay?
May napanood kasi ako tungkol sa pagbagsak ng isang malaking kumpanya sa Amerika. At sa isang eksena sa pelikula ay hinihikayat ng CEO ang isa sa senior management member na sumama sa gagawin niyang desisyon ng kumpanya at ito ang ibenta ang halos wala ng halagang stocks ng kumpanya.
Parang doon na umikot ang pelikula, para kasing tinatanong dito kung ikaw ang nasa lugar ng taong iyon ano ba ang gagawin mo? Sasama ka ba dahil pinepressure ka ng amo mo? O Ilalaglag mo sila dahil may prinsipyo kang pinanghahawakan?
Hindi ko rin malilimutan ang binitawan salita ng isa pang boss habang pinagtutulungan nilang kumbinsihin na mapasali ang isa nga sa senior manager na.." Sumama ka sa amin, ito ang tamang gawin sa panahon ngayon." sinagot niya ng "Tama?, Tama para kanino?"
Para kanino nga ba ang desisyon na gagawin ng iilang tao na maapektuhan ang libo o milyon na tao? Tama ba na unahin nila ang kapakanan nila dahil sila ang angat sa buhay? Sila ang namumuno?
Pero mahirap itanggi ang katotohanan na iyon. Totoong nangyayari ito sa kasalukuyan, maraming mga higanteng kumpanya ang nagdidikta kung paano dapat mabuhay ang mga tao sa lipunan. Palihim na ikinukubli ng sistema ng ating pamumuhay ang kanilang intensyon na magkamal ng limpak-limpak na salapi mula sa paghihirap ng isang ordinaryong mamayan.
Sa bandang huli sumanib na rin ang manager sa mga boss, na yon sa kanya ay dahil kailangan niya ang pera at ang bonus na bibigay ng kumpanya sa 31 taon na pininilbihan niya dito.
Sa tingin ko naging praktikal na lang siya at may katapat na presyo talaga ang lahat ng tao. Iyon ang totoo.
Biruin mo ba naman kumikita ka ng $2.7M sa isang taon, $11,250.00 kada-araw, $1,406.25 kada oras, $23.44 kada minuto $0.39 kada segundo, parang ang hirap paniwalaan na may nagbibigay pala ng sahod na ganoon kalaki. Ano naman kaya ang akapalit nito?
May nabasa ako na ang dahilan daw ng buhay ng tao ay upang lumigaya at para makapmtan mo ang kaligayahan ay dapat ay may pamamaraan ka para dito. Kung makakatulong ang materyal na pangangailangan para sa katuparan ng kaligayahan na iyon ay dapat meron kang pagkukunan ng pambili sa mga ito. Samakatuwid, dapat ang isang tao ay may trabaho upang lumigaya. Kapag sinabing trabaho ito ay isang gawain na nagbibigay ng isang produktibong gawain na mapaggagamitan o mapapakinabangan ng nakararami. sa madaing salita pala..
Kaligayahan = Trabaho
Dahil sa trabaho nakikita ng tao ang kaniyang halaga sa lipunan.
Miyerkules, Abril 11, 2012
Tuyong dahon
Balik na naman ako dito sa trabaho ko. Ganito lang naman talaga ang
buhay ko, magtatrabaho ng ilang buwan tapos magbabakasyon ng ilang
linggo para makasama ang pamilya ko. Magkaroon ng bonding sa kanila
para maging matatag ang relasyon namin.
Teka bakit nga ba ito ang unang pumasok sa isipan ko? Hindi ko man
lang naisip na unahin na bigyan ng pahinga ang pagal kong katawan.
Ganun nga ba talaga? Hindi ba dapat kapag nagbabakasyon ka e narerelax
ka? Napapahinga mo ang katawan mo at magagawa mo ang gusto mong gawin
na hindi pwede o hindi mo magawa sa trabaho mo.
Nabadtrip kasi ako nitong nakaraang bakasyon ko ng hindi ko man lang
magawa ang gusto kong gawin? Naisip ko para saan pa itong bakasyon na
ito? Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako masaya ngayong bakasyon
dahil pinipigilan mo ang gusto kong gawin? Bakit?
Hindi mo ba alam na nagpapasaya sa akin ito? Bakit ikaw? LAgi kitang
pinapayagan sa mga gusto mo? Ako hindi.
Shit 'di ba? Ayaw ko sa lahat iyong kinkontrol ako e. Please lang
huwag mo akong kontrolin magaaway lang tayo.
Pero hindi ko sinabi sa kanya ang mgaiyon dahil alam ko magkakaroon
lang ng tampuhan ang maiksing panahon na kasama ko sila. Nagbuntong
hininga lang ako tinuon na ang isipan sa ibang gawain.
Pagkatapos kong walisin ang sandamakmak na tuyong dahon na nalaglag
mula sa namumungang puno ng mangga sa harap ng bahay ko ay sinigaan ko
ito. Habang tinititigan ang maliit na apoy mula sa posporo ay may kung
anong kamalayan ang dumapo sa utak kong bulok.
Bakit nga ba nalalaglag ang mga dahon na ito? nalalaglag sa mga
sangang humahawak sa kanila. Hindi ba ang sanga ang nagbibigay ng
buhay? Pwede rin palang sila rin ang mag-alis nito. Katulad nang
pagkalaglag ng mga tuyong dahon. Bakit kaya pinapayagan ng puno na
malaglag ang dahon na gumagawa ng kaniyang pagkain? Ibig bang sabihin
kapag hindi na ganoon kaepektibo o ganoon kaproduksyon ang paggawa ay
dapat na itong ilaglag? Ito siguro talaga ang natural na batas ng
inang mundo. Kapag wala ka ng silbi doon ka na lang sa isang tabi.
Pero doon ba nagtatapos ang buhay ng isang dahon?
Sinuri kong mabuti ang mga pangyayari at nalaman ko na hindi doon
natatapos ito. Dahil napansin ko na nagkalat ito sa aking bakuran at
kailangan tipunin. Nagsorry ako sa mga dahon na kailangan ko silang
sunugin dahil wala pa akong nagawang kompost upang maging pataba na
lang sila ng lupa at maging parte muli ng punong nagbitiw sa kanila.
Isang maliit na bundok ng tuyong dahon ang unti-unting tinutupok ng
apoy, Parang naririnig ko ang sigawan nila nangangalit, kailangan kong
mag-ingat dahil nakakapaso ang huling bitaw ng kanilang lakas. huling
enerhiyang galing sa kanilang patay na katawan ay kayang lumikha ng
napakalaking sunog na kayang tumupok sa mga buhay na halaman.
Kahit pala patay na may dala pa rin panganib, ito siguro ang
sinasabing nagmumulto ang mga patay.
Sandali lang ang itinagal ng apoy mabilis kasing natupok ang tuyong
dahon. "Tapos na kayo, ang sabi ko sa aking sarili." Pero may baga pa
rin natira, hindi pa pala dahil kung iihip ng medyo malakas ang hangin
ay maaring liparin ang mga alipato patungo sa kung saan, baka
mabagsakan ang isang kumpol ng tuyong dahon at magsimula ng bagong
apoy, napakadelikado.
Dapat pala e huwag tigilan ang pagbantay sa pagkasunog ng mga tuyong
dahon na ito hanggang maging abo na lang sila. Dahil kapag nangyari na
ito matutupad na ang propesiya ng bibliya, "sa abo ka nagmula, sa abo
ka babalik."
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)